Senior citizen nasawi sa sunog sa Marikina

MANILA, Philippines — Isang lalaki na ­senior citizen ang nasawi nang makulong sa nasusunog niyang bahay sa Pipino St., Brgy. Tumana, Marikina City, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog alas-2:50 ng madaling araw na kung saan ang biktima ay napaulat na bumalik sa loob ng kaniyang nasusunog na tahanan upang kunin ang ilang papeles, subalit  gumuho ang ikalawang palapag na nagresulta sa kaniyang pagka-trap.

Ang sunog ay idineklarang fireout ng alas-3:55 ng madaling araw. Inaalam pa ang dahilan ng sunog.

Show comments