Mga basura bumara sa mga pumping station

President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. conducts an ocular inspection and visits the evacuation centers affected by #CarinaPH and southwest monsoon in Malanday, Valenzuela City on Thursday.
Pool photos by KJ Rosales/The Philippine STAR

Pangulong Marcos naalarma...

MANILA, Philippines — Ikinaalarma ni ­Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nang makita ang pagbara ng sandamakmak na basura ng ito ay bumisita sa mga pumping station sa Valenzuela City at Navotas City, kahapon ng umaga.

Kaya’t umapela ito sa publiko na maging res­ponsable sa pagtatapon ng basura na isa sa mga dahilan ng malawakang pagbaha sa Metro Manila.

Sa kanyang pagbisita sa Valenzuela City, sinabi ni Marcos, na malaki ang problemang dulot ng basura sa mga malalakas na pag-ulan dahil nahaharangan nito ang mga pumping stations na dapat ay tuluy-tuloy ang daloy ng tubig at naiiwasan ang  pagbaha.

Bagama’t hindi biro ang lakas ng bagyong Carina, may maitutulong pa rin ang publiko upang mabawasan ang epektong dulot nito.

“Marami na iyong pumping stations, pero talaga, you have to put it somewhere. Yesterday, 12 o clock was high tide. Nagsabay-sabay. Malakas ang ulan, tapos nag-high tide,” ani Marcos.

Unang binisita ng Pangulong Marcos ang command center ng Valenzuela City at tinignan ang sitwasyon sa mga kalsada na naapektuhan ng pagbaha.

Show comments