Marcos sa DOH: Mga doktor ideploy sa evacuation centers
MANILA, Philippines — “Magtalaga ng mga doktor at magbigay ng medical assistance sa mga evacuation centers.”
Ito ang utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Health (DOH) para masiguro aniya ang kalusugan ng mga evacuees na naapektuhan ng supertyphoon Carina.
Iginiit ng pangulo na dapat kaagad magdeploy ang DOH ng mga doktor sa mga evacuation center para makapagbigay ng gamot sa mga matatanda na nangangailangan ng maintenance medicines.
Sa situation briefing kasama ang mga miyembro ng gabinete, sinabi ng pangulo na ang susunod na magiging hamon ngayon matapos ang pananalasa ni Carina ay ang siguruhin na ang mga evacuation centers ay mayroong mobile clinic para masuri ang kalusugan ng mga bata at ng mga matatanda.
Subalit kung wala pa ang medical team ay kahit ang barangay health workers (BHWs) muna para makapag-assess kung sino ang agarang nangangailangan ng tulong medikal hanggang makarating ang medical team.
- Latest