Dalagitang anak, pinatay ng sariling ama

MANILA, Philippines — Pinatay sa saksak ng isang ama ang kanyang 16-anyos na dalagita sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Carig Norte,Tuguegarao City, Cagayan.

Ang biktima na itinago sa pangalan na Ana,16-anyos, Grade 11 student, habang ang suspek na ama nito ay na­kilalang si Jude, kapwa residente ng nasabing lugar.

Ayon sa report, galit na dumating ang suspek sa bahay mula sa trabaho at pagkakita sa anak  ay agad nitong sinakal.

Agad  na sumaklolo ang mga kapit bahay at kamag-anak nang marinig ang sigaw ng biktima at naabutan na lamang na duguan na ito habang sinasakal pa ng ama.

Nagtamo ng saksak sa kanyang dibdib at iba pang bahagi ng katawan ang biktima na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Blangko ngayon ang pulisya sa motibo ng suspek sa pagpatay sa anak kaya’t patuloy ang kanilang pagtugis matapos itong mabilis na tumakas.

Nanawagan naman ang lolo ng biktima sa pamamagitan ng Facebook live ni Mayor Myla Ting-Que na sumuko na ang suspek para panagutan ang krimen na ginawa sa anak.Ayon kay Que, ang ina ng biktima ay nasa ibang bansa.

Show comments