Metro Manila, iba pang lugar inulan, binaha
‘Carina’ lumakas pa…
MANILA, Philippines — Dahil sa epekto ng Bagyong Carina at habagat ay binaha ang maraming lugar sa Metro Manila, partikular sa mga lungsod ng Pasay, Caloocan, Quezon, Mandaluyong at Maynila.
Sa monitoring ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nasa walong pulgadang taas o gutter deep ng tubig baha ang inabot ng Balintawak northbound at southbound at Dario bridge, NS Amorante corner Don Jose St, na mas mataas o nasa 10-13 pulgada, E-Road Araneta sa Quezon City; Mandaluyong, Shaw Boulevard, Edsa southbound.
Sa Maynila, ay umaabot na sa 84 ang bilang ng mga pamilya, mula sa Barangay 20 sa Isla Puting Bato sa District 1, na karamihan ay nawalan ng tahanan matapos na wasakin ng bagyo at inilikas sa Delpan Evacuation Center.
Nasa 40 pamilya naman mula sa Barangay 101, Building 1 covered court Katuparan; 36 na pamilya mula sa R10 Green Building, 3rd Floor, at dalawa mula sa Barangay 128, Building 3; ang inilikas din sa ligtas na lugar.
Sa District 3,174 pamilya mula sa Baseco at 28 pamilya mula sa Barangay 275, Gate 54 at 58 ang pawang inilikas na rin sa mga ligtas na lugar, bunsod ng pabugsu-bugso at malalakas na mga pag-ulan.
Sa Caloocan, McArthur Calle Uno southbound, na gutter deep din; sa Pasay, ang Andrews Tramo intersection at Edsa Taft Avenue ay gutter deep.
Kahapon ay isinailalim kahapon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa signal no. 2 ang mga bayan ng Basco, Mahateo, Itbayat, Uyagan at Ivana sa lalawigan ng Batanes.
Nasa Signal No. 1 ang kabuuan ng Batanes (Sabang); Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, silangang bahagi ng Isabele (Divilacan, Palanan, Maconacon, Dinapigue,Tumauini, Ilagan City, San Mariano, Cabagan, San Pablo, Santa Maria); hilagang bahagi ng Apayao (Calanasan, Luna, Pudtol, Flora, Santa Marcela); hilagang bahagi ng Ilocos Norte (Pagudpud, Bangui, Adams, Dumalneg, Burgos, Vintar); Dilasag at Casiguran sa lalawigan ng Aurora; Polillo Islands: Calaguas Island at hilagang bahagi ng Catanduanes (Pandan, Bangamanoc, Panganiban, Viga, Gigmoto, Caramoran). Joy Cantos
- Latest