^

Police Metro

Senado ‘di prayoridad ang pagpasa ng Divorce, Death Penalty bills at Cha-cha

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na hindi prayoridad ng Senado ang pagpasa ng mga kontrobersiyal na panukalang Divorce Bill at Death Penalty Bill, maging ang isinusulong na Charter Change.

Pero, nilinaw ni Escudero na magpapatuloy ang pagdinig sa mga nabanggit na panukalang batas at dadaan ang mga ito sa normal na proseso.

Ipinunto rin ni Escudero na binanggit niya sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng sesyon ng Senado na hindi magiging prayoridad ang pagtalakay sa Charter change dahil mas pagtutuunan ng pansin ang mga panukalang batas na maghahatid ng direktang benepisyo sa publiko.

Iiwasan din aniya ang mga panukalang batas na nagdudulot ng pagkakawatak-watak at alitan sa pulitika.

Samantala, kinuwestiyon ni Escudero kung bakit may mga  batas na magpapagaan sa  pasanin ng mga malalaking negosyo pati ang pagpapadali sa pagbabayad ng tax at utang pero  walang batas na magpapadali sa paghahanap ng trabaho.

Sa kabila aniya ng mga batas na makakatulong sa mga malalaking negosyante,wala namang batas na magpapagaan sa “commuting,” “connecting” at batas para mapadali ang pagtatapos sa pag-aaral at paghahanap ng trabaho.

Tiniyak din ni Escudero na mas pagtutuunan ngayon ng Senado ang pagpasa ng mga batas na magpapabuti sa buhay ng mga Pilipino.

DIVORCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with