^

Police Metro

Killer ng trader sa Quezon City, suspek din sa tangkang pagpatay sa BFP colonel

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang person deprived of liberty (PDL) na most wanted dahil sa 2 counts of attempted murder sa isang opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sinilbihan ng warrant of arrest sa loob mismo ng New Bilibid Prison (NBP) kung saan siya nakakulong, nitong Huwebes.                           

Kinilala ang akusadong si Raymond David Reyes, nakapiit sa Building 14 ng NBP-Bureau of Corrections (BuCor), Muntinlupa City, at residente ng Balintawak, Quezon City at may kinakaharap na 2 counts of attempted murder at inis­yuhan ng warrant of arrest ni Judge Rosalyn Mislos-Loja ng RTC Branch 41, Manila noong Mayo 29, 2024, sa kaso ng isang BFP Colonel na kaniyang tinangka umanong patayin sa Alex St., Sampaloc, Maynila noong madaling araw ng Mayo 2, 2024.

Dakong alas-8:00 ng gabi nang isilbi ng mga tauhan ng Intelligence at Warrant and Subpoena Section ng Manila Police District ang arrest warrant laban kay Reyes sa loob ng NBP.

Bukod sa naturang mga kaso, si Reyes ay akusado rin sa pagdukot at pagpatay sa isang negosyante sa Quezon City matapos mabigong magpadala sa Gcash ng P50 milyon ransom ang pamilya nito.

Lumabas sa beripikasyon, nadakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation nito lamang Hunyo si Reyes, kasama ang isa pang akusado na si alyas “Pio”, empleyado umano ng BuCor, kaugnay sa dinukot na 60-anyos na babaeng negosyante sa Quezon City. Noong Hunyo 10, 2024 ay natagpuang nakasako ang kidnap-victim na ginang sa Sta. Cruz, Laguna, na napag-alamang pinatay sa sakal.

Umamin umano ang mga suspek na nabigo silang matanggap sa Gcash sa itinakdang oras ang hinihinging P50-mil­yon na ransom mula sa pamilya ng biktima. Nare­kober mula sa dalawang suspek ang mga baril at iligal na droga.

Nabatid rin na hindi pa nagtatagal na pinalaya ng BuCor si Reyes nang isagawa ang magkahiwalay na krimen.

NBP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with