Taas-baba sa presyo ng petrolyo, asahan sa Martes
MANILA, Philippines — Matapos ang nagdaang rollback, inaasahan sa susunod na linggo ang taas-baba sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon sa mga oil players, magkakaroon sila ng pagbaba sa presyo ng diesel mula 30 centavos hanggang 60 centavos kada litro.
Aabutin naman ng mula 60 centavos hanggang 70 centavos ang ibababa sa kada litro ng keresone pero maaaring walang pagbabago o posibleng may pagtaas ng 20 centavos sa presyo ng gasolina sa sunod na linggo.
Ang nagdaang apat na araw na galaw ng presyuhan ng petrolyo ang ugat ng taas-baba sa presyo ng oil products.
Tuwing Martes ipinatutupad ang oil price adjustment.
- Latest