Bulkang Mayon nagkaroon ng phreatic eruption
MANILA, Philippines — Iniulat ng Department of Science and Technology-Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS) na nagkaroon ng biglaang phreatic eruption ang Bulkang Mayon, kamakalawa ng gabi.
Sa inisyal na impormasyon, nangyari ito alas-6:16 ng gabi ng Huwebes at tumagal ng halos isang minuto.
Nagbuga ito ng abo at steam plume na umabot sa 656 feet o 200 meters ang taas at dinala sa direksyong west-northwest.
Ang naturang pagputok ng Bulkang Mayon ay ikinokonsidera bilang isang phreatic event na indikasyong ito ay bunga ng steam sa halip na magma.Sa kasalukuyan ay nananatili ang Alert Level 1 sa bulkan.
Ayon naman kay Phivolcs monitoring and eruption division chief Mariton Bornas, kailangan ang masusing pag-iingat ng mga residente sa palibot ng bulkan dahil inaasahan na ang pagkakaroon ng mga steam driven phreatic eruption dahil nagsimula na uli ang mga pag-ulan lalo na kapag pumapasok ang malamig na tubig ulan sa mainit na crater ng bundok.
- Latest