^

Police Metro

3 cyber hacker nadakip ng NBI

Angie dela Cruz - Pang-masa
3 cyber hacker nadakip ng NBI
Iprinisinta kahapon ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago ang tatlong hacker na ang dalawa dito nasa likod ng pag-hacked ng government website.

MANILA, Philippines — Tatlong cyber hacker na ang dalawa dito ay nasa likod nang pag-hacked ng government website ang naaresto ng mga elemento ng Natio­nal Bureau of Investigation (NBI).

Iniharap sa media ni NBI director Jaime Santiago ang isang “NEWBIEXHACKER” na sinasabing may hawak na file na code-protected at naglalaman ng sensitibong impormasyon nd contains sensitive information mula sa data base ng Philippine Navy.

Sinabi ni director Santiago na ang data ay naipadala sa kanya ng isang “HAXINJA” na mayroon ding access code para sa naturang data.

Sa ilalim ng superbi­syon ng NBI-Cybercrime Division (NBI-CCD), ang confidential informant at “HAXINJA” ay nakipag-ugnayan sa telepono at nakipagkasundo na magtutulungan para sa isang proyekto na tinawag na “E-Commerce Website”.

Kinumpirma ni “HAXINJA” na nasa kanyang possession ang pass code para ma-access ang Philippine Navy file at maibibigay sa kanilang meeting na nakatakda nitong July 16, 2024 sa Cagayan de Oro City.

Sa pinaigting na utos ni Director Santiago, CCD operatives sa koordina­syon sa NBI-NEMRO at representatives ng Philippine Navy ay nagsagawa ang mga ito ng entrapment operation na nagresulta ng pag-aresto kay “HAXINJA” makaraang ibigay ang access sa naka-hacked na file na kumpirmadong isang confidential document.

Samantala ang ibang files sa flash drive ng suspek ay naglalaman ng ibat-ibang mga dokumento ang litrato na nakuha mula sa data base ng Philippine Navy.

Iniulat din ni Santiago na may isa pang hacker na si “D4rkJ1n” na nag-oopisina sa EDSA, Makati ay nahuli naman sa Cubao, Quezon City matapos na magtangkang tumakas.

Si “HAXINJA” ay isinailalim sa inquest proceedings dahil sa paglabag sa Section 4(a)(1) at Section 5(ii) ng RA No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) at Section 29 ng RA 10173 (Data Privacy Act of 2012). Si “D4rkJ1n” ay naisailalim sa inquest proceedings dahil sa paglabag sa Section (a)(5) ng RA 10175 at Section 33(a) ng RA 8792 (Electronic Commerce Act of 2000).

HACKER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with