^

Police Metro

Kita ng mga mangingisda bumaba ng 60% dahil sa fishing ban ng China

Angie dela Cruz - Pang-masa
Kita ng mga mangingisda bumaba ng 60% dahil sa fishing ban ng China
Filipino fisherman drying squid on their fishing boat while a Chinese coast guard ship monitors near the China-controlled Scarborough Shoal, in disputed waters of the South China Sea.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Halos nasa 60% ang bumabang kita ng mga ma­ngingisdang Pinoy malapit sa Scarborough Shoal dahil sa fishing ban ng China sa South China Sea, kabilang ang mga bahagi ng West Philippine Sea.

Ayon sa PAMALAKAYA, bumaba mula P10,000 patungong P4,000 ang kita ng mga mangingisda sa Zambales sa bawat biyahe ng mga ito malapit sa Scarbo­rough o Panatag Shoal.

“The presence of Chinese vessels has intensified since our territorial waters have been placed under a fishing moratorium,” saad sa pahayag ni PAMALAKAYA-Zambales provincial coordinator Joey Marabe.

Upang masuri ang epekto ng fishing ban ng China sa ibang mga pro­binsya ay nakikipag-ugnayan na ang PAMALAKAYA sa mga operator at asosasyon ng mga mangingisda sa Pangasinan at La Union.

Nanawagan naman ang PAMALAKAYA sa admi­nistrasyong Marcos na ibigay ang pangangailangan ng mga mangingisdang apektado ng fishing ban ng China.

Nauna nang ipinrotesta ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang fishing ban ng China na lumalabag sa international law at tinatapakan ang soberanya at maritime rights ng bansa.

SCARBOROUGH SHOAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with