^

Police Metro

Babaero tinaniman apat bala sa ulo, todas

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Babaero tinaniman apat bala sa ulo, todas
Namatay noon din ang biktimang kinilala lamang sa alyas na “Ranny” dahil sa tama ng apat bala sa ulo.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang 22-anyos na mekaniko na umano’y babaero ang pinagbabaril ng dalawang kalalakihan, ‘di kalayuan sa tinitirhan nito sa Malabon City.

Namatay noon din ang biktimang kinilala lamang sa alyas na “Ranny” dahil sa tama ng apat bala sa ulo.

Nakatakas naman ang dalawang ‘di pa nakilalang suspek patungong Sitio Gulayan ng Brgy. Catmon.

Sa ulat bago nangyari ang krimen, alas-3:30 ng madaling araw nitong Biyernes malapit sa bahay nito ay ipinaparada ang kanyang motorsiklo nang lapitan ng dalawang lalaki at pagbabarilin ng apat na beses.

Sa inisyal na report mula sa tanggapan ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, ilang mga anggulo ang tinitingnan ng pulisya sa posibleng motibo ng pamamas­lang, kabilang ang pagkakasangkot ng biktima sa ilegal na aktibidad at ang umano’y pagiging babaero nito.

Minsan na ring kinasuhan ng rape si alyas Ranny mahigit tatlong taon na ang nakararaan, subalit nadismiss matapos na hindi makadalo sa mga pagdinig ang biktima.

Ayon pa sa ulat, hindi naman kagandahang lalaki ang biktima subalit, matipuno at maboladas naman ito kaya’t madaling makabingwit ng kababaihan.

Nasangkot din umano sa ilang ilegal na aktibidad ang biktima kaya’t ito rin ang isa sa sinisilip na motibo ng pulisya sa nangyaring pama­maslang.

Patuloy ang follow-up investigation ng pulisya upang madakip ang mga suspek.

vuukle comment

JAY BAYBAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with