^

Police Metro

2 katao patay sa habagat sa Mindanao

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng  National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na dalawa katao ang naitalang nasawi habang mahigit 60,000 namang pamilya ang naapektuhan sa malalakas na pag-ulan na epekto ng habagat.

Sa report ng NDRRMC, isa sa mga nasawi ay mula sa Northern Mindanao na isang 47-anyos na babae na natagpuang lumulutang sa Pulangi River sa Kabacan, North Cotabato at ang ikalawang nasawi ay mula naman sa Davao Region na kasalukuyan pang bineberipika.

Nasa 60,841 namang pamilya mula sa 310 Barangays sa rehiyon ng Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, SOCCSKSARGEN (South Cotabato, Cotabato City, Sultan Kudarat, Sarangani at Gene­ral Santos City) at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Minda­nao (BARMM) ang apektado ng masamang lagay ng panahon sa malalakas na pag-ulan sa Minda­nao na nagdulot ng mga pagbaha at landslide sa Mindanao simula pa noong nakalipas na linggo.

Sa nasabing bilang ay naitala naman sa 4,767 pamilya ang kinakanlong sa 55 evacuation centers habang ang iba pa ay pansamantalang nanuluyan sa kanilang mga kaibigan at mga kamag-anak. Ang lokal na pamahalaan ay nama­hagi ng relief goods sa mga naapektuhang pamilya sa mga evacuation cen­ters.

NDRMMC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with