Marcos kinondena ang assassination attempt kay Trump
MANILA, Philippines — Nagpaabot ng kanyang ‘well wishes’ si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay dating US president Donald Trump, 78 dahil sa assassination attempt habang isinasagawa ang kanyang rally sa Butler, Pennsylvania, araw ng Sabado.
“It is with great relief that we receive the news that former President Donald Trump is fine and well after the attempt to assassinate him,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang official X account (dating Twitter).
“Our thoughts and prayers are with him and his family,” ayon pa rin sa Pangulo.
Giit pa ng Pangulo, kinokondena nito ang lahat ng uri ng political violence.
Binigyang-diin nito ang pananaig ng boses ng mga tao.
Aniya pa, malaking kaginhawaan ang ulat na ligtas at nasa mabuting kalagayan ngayon ang dating Pangulo matapos itong tangkaing paslangin.
Kasalukuyan nang nagsasagawa ang Estados Unidos ng imbestigasyon kaugnay sa tangkang pananambang kay Trump, na napaulat na binaril at nadaplisan ang kanang tenga nito habang nagtatalumpati sa rally sa Pennsylvania noong Hulyo 13.
Si Trump ay isang Republican candidate para sa pagka-presidente.
- Latest