^

Police Metro

Scammer ng senior citizens at PWD, may mabigat na parusa

Joy Cantos - Pang-masa
Scammer ng senior citizens at PWD, may mabigat na parusa
Scenes in the streets of Marikina City during the rush hour on February 9, 2023.
STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Ihahain ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo kasama sina ACT-CIS Rep. Edvic Yap at Jocelyn Tulfo, Benguet Rep. Eric Yap at Quezon City 2nd Dist. Ralph Tulfo sa Kamara ngayong araw ang isang panukalang batas na layong protektahan ang mga senior citizen at persons with disability (PWD) sa panloloko o scam ng ilang indibidwal at mga sindikato.

Ito ay dahil sa reklamong natatanggap ng tanggapan ni Rep. Erwin ang panggogoyo sa mga senior citizens ng ilang walang pusong indibidwal.

“Sa kanilang pension o konting ipon lang umaasa ang mga senior tapos gagatasan o nanakawin pa ng mga manggagantso at isinama na rin ang mga PWD na kapag ginoyo ay kulong ang aabutin,” ayon kay Rep. Erwin.

“Kahit piso pa yan, makukulong ka pag-iniscam mo yung kaawa-awang senior o PWD dahil wala kang puso,” dagdag ni Tulfo.

Pagkabilanggo ng tatlong buwan hanggang anim na taon o higit pa depende sa laki ng halaga na natangay sa senior o PWD lalo’t naubos ang ipon o pension nito dahil sa scam ng indibidwal o sindikato.

Ani Tulfo,”Masyado kasing vulnerable ang mga senior citizen at mga may kapansanan sa mga panloloko ng ilan dahil na rin sa kahinaan dala ng kanilang edad o kapansanan.”

“We need to protect our elders and PWDs sa panahon ngayong usong-uso ang mga scam,” anang mambabatas.

SENIOR CITIZEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with