Bawas-presyo ng petrolyo sa susunod na linggo
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Department of Energy (DOE) na posible ang bawas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa update, sinabi ng DOE na posible ang rollback na P0.70 hanggang P0.90 sa kada litro ng gasolina, habang P1 hanggang P1.15 naman ang rollback sa kada litro ng diesel at kerosene.
Ang pagbaba sa presyo ng produkto ay may kinalaman sa paghina ng inflation data sa China, Hurricane Beryl at ang status ng dolyar.
Karaniwang inaanunsyo ng mga kompanya ng langis ang price adjustments tuwing Lunes at ipinatutupad sa kasunod na araw.
Matatandaan na nitong Hulyo 9, ay nagpatupad ng dagdag sa presyo na P1.60, P0.65 at P0.60 sa kada litro ang mga kompanya ng langis para sa gasolina, diesel at kerosene.
- Latest