Adviser ni Digong ipinaaaresto ng Kamara
MANILA, Philippines — Kabiguang dumalo sa pagdinig ng panel kaugnay ng umano’y kinalaman nito sa P 3.6 bilyong drug bust sa Mexico, Pampanga noong nakalipas na taon ay ipinaaresto na ng House Committee on Dangerous Drugs ang negosyanteng si Michael Yang matapos itong isyuhan ng contempt.
Si Yang ay adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na iniuugnay sa incorporator ng Empire 999 Realty Corp. na siyang may-ari nang sinalakay na bodega sa bayan ng Mexico na nakumpiskahan ng P3.6 bilyong shabu.
Ang komite sa pamumuno ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers ay pinatawan din ng 30 araw na detention o pagkakakulong sa Bicutan Jail sa Taguig City si Yang na ang huling nairekord na pagbiyahe mula sa Manila patungong Dubai ay noong Mayo 12, 2024.
Sinabi ni Barbers na inisyuhan ng kaniyang panel ng contempt si Yang dahilan sa patuloy na hindi nito pagsipot sa imbitasyon ng kaniyang komite at maging sa subpoena na inisyu noong Hunyo 24.
- Latest