^

Police Metro

Medical evacuation ng may sakit na Navy personnel hinarang ng CCG

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling hinarang ng China Coast Guard (CCG) ang emergency medical evacua­tion ng isang pasyenteng maysakit na PH Navy personnel mula sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS) nitong Linggo.

Sa press briefing sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na pinigilan ng 102 metrong habang barko ng CCG kasama ng anim na maritime militia vessels ang evacuation ng may sakit na PH Navy personnel.

Base sa satellite images mula sa South China Sea monitor Sealight, isang CCG ship at anim na Chinese maritime militias ang naglayag malapit sa PCGs BRP Cabra at BRP Cape Engaño kung saan dumaan ang mga ito may 14 nawtikal na milya sa silangang bahagi ng Ayungin Shoal.

Noong nakalipas na Mayo 19 ng taong ito ay nasangkot na rin ang CCG sa panghaharang sa medical evacuation ng isa ring maysakit na Philippine Navy personnel na nakabase sa BRP Sierra Madre ang outpost ng mga sundalong nagbabantay sa soberenya ng bansa sa WPS.

Bukod dito ay binangga rin ng CCG ang bangka ng Philippine Coast Guard (PCG) na sakay ang PH Navy personnel na dadalhin sana sa hospital.

Gayundin ay inagaw ng CCG ang airdrop ng pagkain at iba pang supplies ng aircraft ng Philippine Air Force (PAF) para sa Ayungin troops kung saan matapos bulatlatin ay itinapon ito sa dagat.

Ang pinakamatindi ay nitong Hunyo 17 matapos namang masangkot sa pangha-harass ang CCG  sa PH vessel ay naputulan pa ng kanang hinlalaki ang isang PH Navy personnel na si Navy Seaman 1st Class Jeffrey Facundo.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with