^

Police Metro

Abalos kay Quiboloy: Sumuko ka na lang!

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pang-masa
Abalos kay Quiboloy: Sumuko ka na lang!
Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. and Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil announce the P10 million reward for the arrest of Pastor Apollo Quiboloy and P1 million each for his subordinates during a press briefing at the PNP Headquarters in Camp Crame, Quezon City on Monday.
Miguel De Guzman/The Philippine

Kung mahal mo ang followers mo…

MANILA, Philippines — “Sumuko at harapin na lamang  ang kanyang mga kaso sa korte”!.

Ito ang panawagan ni Interior Secretary Benhur Abalos kay Pastor Apollo Quiboloy at  nararapat lamang na tapusin na ito ng huli kung naaawa ang kontrobersyal na lider ng Kingdom of Jesus Christ sa kanyang mga tagasuporta.

Matatandaan na inis­yuhan ng arrest warrant si Quiboloy na nahaharap sa kasong sexual abuse of minors at qualified trafficking.

“Ako ay nananawagan kay Pastor: Let’s end this. Kung ikaw ay naaawa sa mga follower mo, alang-alang sa sarili mo, sumurrender ka na,” aniya.

Giit ng Kalihim, ilabas na lang ni Quiboloy ang kanyang depensa sa korte at sumuko na lang sa kapulisan bago pa mauwi sa gulo ang sitwasyon.

“Kung mahal niya ang followers niya, let’s end this. Ito ay order na ng korte. May warrant ka. Sumurrender ka na. Ikaw ay dapat managot. Ilabas mo sa korte ang depensa mo,” giit ng Kalihim.

Magugunita na inanunsyo ni Abalos ang pagpapalabas ng  P10 milyong pabuya para sa sinumang makapagtuturo sa pinagtataguan ni Quiboloy na nahaharap sa kasong sexual abuse of minors at qualified trafficking.

Kasabay nito, nag-alok din si Abalos ng tig P1milyong pabuya para sa ikadarakip ng limang kapwa-akusado nito.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with