Walang trabahong Pinoy umakyat sa 2.11 milyon noong Mayo – PSA
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Philippine Statistics Authority (PSA) na umakyat ang bilang ng unemployed Filipinos sa 2.11 milyon noong Mayo mula sa 2.04 milyon noong Abril.
Sinabi ni PSA chief and National Statistician Claire Dennis Mapa na naitala ang 4.1% unemployment rate noong Mayo 2024, bahagyang mas mataas kumpara sa 4% na naitala sa buwan ng Abril.
Samantala, pumalo ang employment rate noong Mayo sa 95.9% — mas mataas kumpara sa 95.7% noong Mayo n nakaraang taon subalit mas mababa kumpara sa 96.0% noong Abril 2024.
Binanggit din ni Mapa na 4.82 milyon mula sa 48.87 milyong employed individuals ang underemployed noong buwan ng Mayo.
Katumbas ito ng 9.9% underemployment rate, mas mababa kumpara sa 14.6% tally o 7.04 milyong underemployed individuals noong Abril.
- Latest