^

Police Metro

Binay nagsampa na ng reklamong ethics laban kay Cayetano

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isinampa na kahapon ni Senadora Nancy Binay ang reklamong ethics laban kay Senador Alan Peter Cayetano dahil sa mga pahayag nito sa kanilang mainit na sagutan noong nakaraang linggo patungkol sa new Senate building.

Partikular na inireklamo ni Binay ang pagtawag sa kanya ni Cayetano ng ‘marites’ isang popular na tawag ng mga Filipino sa mga tsismosa.

Binanggit din ni Binay ang akusasyon sa kanya ni Cayetano na nanggugulo sa pagdinig ng Senate committee on accounts tungkol sa mga isyu na may kinalaman sa New Senate Building.

Inilagay din ni Binay sa kanyang reklamo ang pagtawag sa kanya ni Cayetano ng “buang.”

“Paulit-ulit na tayo kanina pa na P21.7 billion. Nabuang ka na ‘day,” sinabi ni Cayetano kay Binay sa pagdinig.

Sinabi ni Binay na maliwanag sa Senate Rules na ituturing na “unparliamentary” ang paggamit ng mga nakakasakit na mga pananalita laban sa kapwa senador o anumang public institution.

Ayon pa kay Binay, nilabag ni Cayetano ang Section 93 at 94 ng Rule 34 na nagbabawal sa paggamit ng unparliamentary act at languages sa pamamagitan ng kanyang  mga statements sa public hearing noong Hulyo 3, 2024.

Idinagdag ni Binay na nilabag din ni Cayetano ang Republic Act No. 9710 o ang Magna Carta of Women.

Kabilang sa trabaho ng Senate Committee on ­Ethics and Privileges na kasalukuyang pinamumunuan ni Senator Francis Tolentino na talakayin ang lahat ng bagay na may kinalaman sa pag-uugali, karapatan, pribilehiyo, dignidad, integridad at reputasyon ng Senado at mga miyembro nito.

Hindi naman natinag si Cayetano sa paghahain ni Binay ng reklamo at maari rin niyang sampahan ng reklamo ito dahil sa “unethical” nitong ginawa sa pagdinig noong nagdaang linggo.

NANCY BINAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with