^

Police Metro

Warrant of arrest vs Guo, ipapalabas ng Senado

Malou Escudero - Pang-masa

Kapag ‘di sumipot sa Senate hearing sa Miyerkules

MANILA, Philippines — Maaaring maglabas ng warrant of arrest ang Senado upang ipaaresto si suspended Bamban Mayor Alice Guo kung muling iisnabin ang pagdinig ng Senado sa Hulyo 10 kaugnay sa ni-raid na POGO hub sa kanyang bayan.

Ito ang babala ni  Senador Sherwin Gatchalian at mapipilitan ang Senado na patawan ng contempt ang dating mayor at papadalhan ito ng warrant of arrest.

“Mako-contempt na siya at that point at pwedeng mag-issue ng warrant of arrest para dalhin siya sa Senado. So, may kapangyarihan ang Senado na mag-isyu ng warrant of arrest para madala siya sa Senado at humarap siya sa mga senador, “ani Gatchalian.

Ipinaliwanag din ni Gatchalian na hindi maaaring gawin ni Guo ang ginawa rin sa Department of Justice (DOJ) na hindi sumipot sa preliminary investigation dahil sa kapangyarihan ng subpoena.

Matatandaan na kinumpirma ng National Bureau of Investigation na si Guo at Chinese national na si Guo Hua Ping ay iisang tao matapos makitang magkapareho ang kanilang mga fingerprints.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with