^

Police Metro

Stand up quezon political party inilunsad

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inilunsad ni Quezon Governor Doktora Helen Tan ang Solidarity for Transformation, Advancement and Nationalism towards a Dynamic,United and Progressive (STAND UP) Quezon Province bilang bagong local political party na nilahukan ng mayor­ya ng lahat ng kasalukuyang nakaupong halal na opisyal sa lalawigan.

Isusulong ng STAND UP Quezon ang malawakang pagkilos upang labanan ang matinding kahirapan na nararanasan ng maraming mamamayan sa lalawigan.

“Malinaw ang ating layunin. Tayo ay naririto dahil nakahanda tayong tumayo para sa kagalingan ng ating mga kalalawigan. Ang panawagan natin, STAND UP Que­zon para sa pagkakaisa. STAND UP Quezon para sa tagumpay. STAND UP Quezon laban sa kahirapan”, pahayag ni Tan na tumatayong pangulo ng partido.

Binigyang diin ng gober­nadora na higit sa pulitika at darating na eleksyon ay isusulong ng STAND UP Quezon ang kanyang HEALING Agenda na mag­hahatid ng mga programa at proyekto para sa kalusugan, edukasyon, agrikultura, kabuhayan, imprastruktura, kalikasan at turismo, at mabuting pamamahala.

Sa kanyang talumpati, hinimok ni Gob. Tan ang mga Quezonian na makiisa sa pagpapaunlad ng lalawigan.

Dinaluhan ang paglu­lunsad ng pinakamalala­king pangalan sa lokal na pulitika tulad nina Cong. Mark Enverga ng 1st District, Cong. Reynan Arrogancia ng 3rd District, at Cong. Atorni Mike Tan ng 4th District na tumatayo rin bilang Assistant Majority Leader ng Kongreso.

Agad na nakipag-alyansa ang Nationalist People’s Coalition (NPC) sa STAND UP Quezon sa pangunguna ni dating Senate President at kasalukuyang Chairman ng NPC na si Senador Tito Sotto na nagsilbi rin bilang panauhing pandangal at tagapagsalita sa makasaysayang pagtitipon. Pumaloob din bilang kaalyado ang 4K o Kababaihan KabalikaTAN Para sa Kapakanan at Kaunlaran ng Bayan na isa nang bagong party-list organization sa buong CALABARZON.

vuukle comment

POLITICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with