^

Police Metro

Traffic enforcer sinagasaan ng sinitang bus driver, patay

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines —  Agad na nasawi ang isang traffic enforcer nang siya ay sagasaan ng driver ng isang pampasaherong bus na kanyang sinita dahil sa paglabag sa batas trapiko sa kahabaan ng Aguinaldo Highway Palapala, Brgy. Sampalok, Dasmariñas City, Cavite, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang nasawing biktima na si Alfredo Datoon, miyembro ng Traffic Management Unit ng Dasmariñas City, Cavite.

Naaresto naman ng pulisya ang suspek na si alyas Rollie, driver ng Erjhon & Almark bus na may plakang UMN 117 at residente ng Brgy. Galicia 2, Mendez, Cavite.

Sa ginawang imbestigasyon ni PMSG Richard Domingo ng Dasmariñas CPS, bago naganap ang krimen, alas-2:00 ng hapon ay kasalukuyang nagmamando ng trapiko ang biktima sa tapat ng Robinson’sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Pala-Pala ng nasabing lugar.

Napag-alamanng sinita ng biktima ang driver ng bus kaugnay sa bawal na pagsasakay at pagbababa ng pasahero habang nakatigil sa nasabing highway.

Subalit, sa halip na sumunod ang driver ay mabilis nitong umarangkada hanggang sa nakaladkad at tuluyang pumailalim ang biktima na naging sanhi ng agarang ikinamatay nito.

Nahaharap ang suspek at driver ng bus sa kasong Reckless Imprudence in Resulting to Homicide.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with