^

Police Metro

Lalaki todas sa security guard ng ospital

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Lalaki todas sa security guard ng ospital
Kinilala ang nasa­wing biktima na si Jeffrey Ragundiaz Dulay, 38, residente ng Goodwill Homes II, Barangay Bagbag, Novaliches, Quezon City.
File

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival ang isang lalaki matapos na barilin ng dalawang ulit ng sekyu ng isang ospital sa Novaliches, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Jeffrey Ragundiaz Dulay, 38, residente ng Goodwill Homes II, Barangay Bagbag, Novaliches, Quezon City.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Alvin Rivera Borata, 40, ng No. 625 Biglang-Awa Compound, Barangay Bagbag, Novaliches, Quezon City at security guard ng ICT Security Agency na nakatalaga sa Novaliches District Hospital.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, bago nangyari ang krimen, alas -2:48 ng madaling araw sa harap ng nabanggit na ospital ay dinala ni  Dulay at mga kaibigang sina Marvin Asumbra at Nude Mark Delos Santos ang isa pa nilang kaibigan na nasangkot sa aksidente sa motorsiklo.

Ipinarada ng biktima at kanyang mga kaibigan ang motorsiklo sa harap ng nasabing ospital, subalit sila ay sinita ng suspek at sinabihan pumarada sa katabing convinience store na sinunod naman nito at kanyang mga kaibigan.

Subalit, binalikan ni Dulay sa puwesto ang sumitang guwardiya hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa bumunot ng baril ang suspek at pinutukan ang biktima ng dalawang beses.

Nang bumulagta ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek sa hindi matukoy na direksiyon.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with