^

Police Metro

Chinese financier, inaresto sa pagkulong sa kapwa Tsino na may utang

Ludy Bermudo - Pang-masa
Chinese financier, inaresto sa pagkulong sa kapwa Tsino na may utang
Ang suspek na dina­kip ay kinilalang si Song Pen Ren, alyas “Luo Jie”, 35-anyos, nanunuluyan sa isang condominium sa Adriatico, sa Malate, Maynila na isinailalim na sa inquest proceedings sa reklamong paglabag sa Article 267 ng Revised Penal Code (Illegal Detention and Kidnapping) at Art. 293 ng RPD (Robbery).
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

MANILA, Philippines — Isang Chinese national na casino financier ang inaresto habang pinaghahanap ang apat pa nitong kasama matapos ikulong ang kanilang kababayan dahil sa hindi pagbabayad ng utang.

Ang suspek na dina­kip ay kinilalang si Song Pen Ren, alyas “Luo Jie”, 35-anyos, nanunuluyan sa isang condominium sa Adriatico, sa Malate, Maynila na isinailalim na sa inquest proceedings sa reklamong paglabag sa Article 267 ng Revised Penal Code (Illegal Detention and Kidnapping) at Art. 293 ng RPD (Robbery).

Nasagip naman ang biktima na si Luo Jing, alyas “Jun Cheng”, 35, at positibong kinilala ang suspek nang iharap sa Manila Police District-General Assignment and Investigation.

Sa reklamo, noong Hunyo 28 magkasama si Cheng at Yang Jinwen na nagtungo sa isang hotel, kung saan pumasok ang huli sa isang bar at uminom ng alak at si Cheng at dumiretso sa loob ng casino.

Nagulat si Jinwen nang mag-message sa telegram apps si Cheng na siya ay hindi pinala­labas ng casino ng grupo ng kalalakihan sa utang na P200K na nauwi sa P500K dahil sa interes.

Humingi ng tulong sa MPD si Jinwen at kaibigang si Fu Qiang kaya isinagawa ang operasyon alas-3:00 ng madaling araw noong Hunyo 29, na nagresulta sa pagdakip kay Luo Jie at natagpuan din ang biktima.

Natukoy na may dalawang Pinoy at 2 Chinese nationals ang kasabwat ni Luo Jie sa pagkidnap kay Cheng.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with