^

Police Metro

Babaeng dalaw nahulihan ng P700K shabu sa ari

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bagsak sa kulu­ngan ang isang babaeng dadalaw lamang sana sa kaibigang Persons Deprived of Liberty (PDL) matapos na makum­piskahan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P700,000.00 na nakalagay sa kanyang ari na tangkang ipuslit sa BJMP District Jail sa Barangay Talipan, Pagbilao, Quezon, kamakalawa ng hapon.

Kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 ang suspek na si alyas Charmaine, 41 at residente ng Barangay 5 Lucena City.

Ayon sa ulat, bandang, alas-2:30 ng hapon ay dadalaw sana sa kaibigang nakapiit sa nasabing kulungan ang suspek at  nang dumaaan sa Center Processing Center upang isailalim sa pagsusuri ang mga dala nitong pagkain ay kinakitaan ito ng pagkabalisa ni JO2 Every Regio Escobilla.

Isinagawa ang body search at nadiskubre buhat sa loob ng maselang parte ng katawan ng suspek ang isang maliit na plastic na nababalutan ng kulay itim na electrical tape.

Nang siyasatin ng mga pulis na tinawagan ng BJMP operatives ay nakumpirmang iligal na droga ang nakabalot sa plastic at tumitimbang ng 38.77 grams at nagkakahalaga ng P790,908.00.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with