^

Police Metro

Kelot na sangkot sa iligal na koneksyon ng tubig, tinodas

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuluyang hindi na nagising ang isang 25-anyos na lalaki na binaril habang natutulog sa loob ng pedicab ng hindi pa kilalang mga suspek, kahapon sa Baseco, Port Area, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Primo Galla, residente ng Block 5 Extension, Barangay 649, Baseco.

Inilarawan ang dalawang lalaking suspek na ang isa ay nakasuot ng bull cap, itim na long sleeve shirt, pula ang short pants at naka-tsinelas habang ang isa pa ay nakasuot din ng bull cap, itim na t-shirt, itim na pantalon, at tsinelas.

Sa ulat ng pulisya, ala-1:43 ng madaling araw nitong Huwebes nang barilin ang biktima habang natutulog sa nakaparadang pedicab sa Blk. 5 Extension, malapit sa AMA Dome, Baseco.

Matapos isagawa ang krimen ay kaswal lang naglakad ang dalawang suspek na agad naman iniualt ng mga tambay sa barangay na ipinabatid agad sa MPD-Police Station 13.

Sa inisyal na imbestigasyon, posibleng may kaugnayan sa ginagawang iligal na pagta-tap ng koneksyon ng tubig ng biktima ang dahilan sa krimen.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with