PNP hiring ng mga K-12 graduate, fake news
MANILA, Philippines — Tinawag ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na isa umanong “fake news” ang mga kumakalat na impormasyon sa social media sa umano’y pagtanggap nila ng mga K-to-12 graduate upang makapasok sa kanilang hanay.
Ayon sa PNP, ilan sa minimum educational requirement nila ay pagkakaroon ng Bachelor’s Degree holder, pumasa sa National Police Commission (NAPOLCOM) Exam gayundin sa anumang Board Exams o Professional Civil Service Exam.
Gayunman, exempted dito ang mga nakakuha ng latin honors gaya ng Cum Laude, Magna Cum Laude, at Summa Cum Laude.
Pinayuhan ng PNP ang publiko na mag-ingat at maging mapanuri sa anumang nababasa online upang hindi maging biktima ng maling impormasyon.
Samantala, pinag-iingat din ni Interior and Local Government secretary Benhur Abalos ang publiko laban sa naglipana niyang fake accounts sa Facebooks na ginagamit ng mga scammer para makapambiktima.
Isa lang ang opisyal na Facebook Page nito at official account na Facebook.com/benhur.c.
- Latest