Pagbebenta ng P29 kada kilo ng bigas sa Metro Manila at Bulacan Kadiwa Centers, simula na
MANILA, Philippines — Ngayong araw ay sisimulan na ng Department of Agriculture (DA) na maibenta ng halagang P29 kada kilo ng bigas sa mga 10 piling Kadiwa centers sa Metro Manila at Bulacan sa ilalim ng Program 29 ng pamahalaan.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Genevieve Velicaria-Guevarra, ang mga Kadiwa sites na magbebenta ng murang bigas ay matatagpuan Bureau of Animal Industry at National Irrigation Administration sa Quezon City; Bureau of Plant Industry sa Maynila; Food Terminal Inc. sa Taguig City; Philippine Fiber Industry Development Authority sa Las Piñas; Caloocan City; Valenzuela City; Brgy. Fortune at BF City (BFCT) sa Marikina City, gayundin sa San Jose del Monte City sa Bulacan.
Ayon kay Guevarra, ang panindang murang bigas ay ilalaan sa 6.9 milyong vulnerable households o nasa 35 milyong Pinoy kasama dito ang senior citizens, single parents, persons with disabilities at benepisyaryo ng Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan.
Ang bawat benepisyaryo ay pinapayagan na makabili ng 10 kilo ng bigas kada buwan.Kailangan lamang magpakita ng ID at magdala ng reusable containers o bags na paglalagyan ng bibilhing bigas.
- Latest