^

Police Metro

3 magkapatid na paslit todas sa sunog

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na nakalabas sa nasusunog nilang bahay ang tatlong magkakapatid matapos lamunin ng apoy ang kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Brgy. Dalusan, Maasin, Iloilo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Maasin BFP, iniwan ng mga magulang sa kanilang bahay ang mga anak na may edad 1, 4, 5, 8, at 12 taong gulang para pumunta sa lamay sa kanilang kapitbahay.

Ilang minute ang nakalipas ay laking gulat ng mga magulang ng mga bata nang makitang naglalagablab ng apoy at nilalamon na ang kanilang bahay.

Sa pagsisiyasat ng Maasin BFP,natutulog ang magkakapatid na hindi kaagad nakalabas sa kanilang nasusunog na bahay dahil ang 4 at 5 ay may kapansanan na polio habang ang 1 taong gulang ay hindi pa masyadong nakakapaglakad.

Nakalabas sa kanilang nasusunog na bahay ang dalawang kapatid na may edad 8 at 12 pero nagtamo din ang mga ito ng paso sa katawan na kaagad isinugod sa ospital.

Sinasabing sa isang siga malapit kanilang bahay ang pinagmulan ng sunog.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with