^

Police Metro

Bus nasunog habang nakaparada sa gasolinahan sa SLEX

Ed Amoroso - Pang-masa
Bus nasunog habang nakaparada sa gasolinahan sa SLEX
Bigla na lang nasunog ang pampasaherong bus na ito habang nakaparada sa isang gasolinahan sa South Luzon Expressway na sakop ng Biñan City, Laguna, kahapon.Wala naman naiulat na nasugatan sa mga pasahero na nagsibabaan para kumain bago nangyari ang insidente.
Ed Amoroso

MANILA, Philippines — Isang pampasaherong bus ang nasunog habang nakaparada sa harap ng gasolinahan sa northbound ng South Luzon Expressway (SLEX) sakop ng Biñan City kahapon ng umaga.

Ayon sa impormasyon ng Biñan City DRRMO, pumarada sa harap ng northbound ng SLEX Shell-Mamplasan ang Eagle Star Bus (NAR 1388) na galing Bicol patungong Maynila nang magkaproblema ang kanang gulong nito sa unahan at bigla itong magliyab alas-10:42 ng umaga.

Agad itong sinaklolohan ng mga tauhan ng Biñan BFP subalit tuluyang natupok ang bus bago naapula ang apoy pasado alas-11:00 ng umaga.

Wala namang nasaktan sa mga pasahero ng bus dahil nasa baba lahat ang mga sakay at kumakain sa mga restaurant sa gas station facility.

Nagdulot din ng mabagal na daloy ng trapiko sa SLEX northbound ang pangyayari.Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang sanhi ng pagkasunog ng bus.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with