Higit P1 milyong ecstasy at marijuana, nasabat ng PDEG
MANILA, Philippines — Aabot sa 700g ng marijuana gayundin ang nasa 100 tablets ng hinihinalang ecstasy ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group sa ikinasang operasyon kahapon ng umaga sa bahagi ng Service Road, Roxas Boulevard, Pasay City, dakong alas-5:50 ng umaga.
Isang lalaki ang naaresto sa operasyon na nasa kostudiya na ng kanilang Special Operations Unit – National Capital Region at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Batay sa ulat ni PDEG Director, PBGen. Eleazar Matta, nagkakahalaga ng P1.2 milyong piso ang mga nasabat na iligal na droga kung ang pagbabasehan ay ang pagtaya ng Dangerous Drugs Board.
Habang dinala na sa PNP Forensic Group sa Kampo Crame ang mga nasabat na iligal na droga para isailalim sa laboratory examination.
- Latest