^

Police Metro

Misis patay sa sakal ng selosong ka-live in

Ludy Bermudo - Pang-masa
Misis patay sa sakal ng selosong ka-live in
Kinilala ang biktima na si Flordeliza Talaro, tubong Davao de Oro, dating oversease Filipino worker (OFW), residente ng Brgy. 704, Gumamela St., Malate, Maynila. Habang naaresto ang suspek na si Jhunrey Bastasa, 33-anyos, construction worker, tubong Davao del Norte.
STAR / File

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 27-anyos na ginang matapos sakalin ng ka-live in partner sa loob ng kanilang inuupahang bahay sa Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Flordeliza Talaro, tubong Davao de Oro, dating oversease Filipino worker (OFW), residente ng Brgy. 704, Gumamela St., Malate, Maynila. Habang naaresto ang suspek na si Jhunrey Bastasa, 33-anyos, construction worker, tubong Davao del Norte.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, bago nangyari ang krimen, alas-8:40 ng gabi ay nag-iinuman ang dalawa sa kanilang inuupahang bahay nang magkaroon ng mainitang pagtatalo dahil sa nagseselos umano ang suspek na ang biktima ay laging may kausap na lalaki sa cellphone.

Nang sitahin ng suspek ang biktima ay nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo hanggang sa kumuha ng nylon cord at sinakal ang huli hanggang sa ito ay kanyang mapatay.

Tumakas ang suspek at makaraan ang tatlong oras ay sumuko ito sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Nabatid na ang dala­wa ay may anak na 8 at 9-anyos at dati nang naghiwalay, subalit  mu­ling nagkabalikan. Inihahanda na ang kasong murder na isasampa laban sa suspek na nakapiit sa MPD-Homicide Section.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with