^

Police Metro

Ex-cop tinodas ng pamangkin

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang retiradong pulis nang pagbabarilin ng kaniyang pamangkin habang sila  ay nag-iinuman kahapon ng madaling araw sa Brgy. San Sebastian Kawit, Cavite.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Reynaldo Arca Lontoc, 67, may-asawa, retired PNP personnel at residente ng nasabing lugar.

Tumakas naman ang suspek tangay ang armas na ginamit na kinilala sa alyas Ed, nasa hustong gulang at residente rin ng nasabing lugar .

Sa imbestigasyon ng pulisya,bago naganap ang krimen, ala-1:05 ng madaling araw ay kapwa na umano lasing ang magtiyuhin kasama ang isa pang kaibigan sa kanilang pag-iinuman.

Ilang sandali ay tumayo ang biktima at nagtungo sa kaniyang kotse nang sundan ng kaniyang pamangkin at walang kaabug-abog na pinagbabaril.

Nang masigurong napatay ang biktima ay tumakas ang suspek bitbit ang baril na ginamit.

Narekober sa crime scene ang 3 basyo ng bala ng baril at sa loob ng sasakyan ng biktima ay narekober ang isang baril na puno ng bala.

Ayon pa sa pulisya, nang malaman ng ama ng suspek ang nangyaring pagpatay sa kapatid ay ina­take umano ito sa puso at namatay din. Inaalam pa ang motibo ng pagpatay.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with