^

Police Metro

Biyudo binoga ng senior citizen, patay

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Biyudo binoga ng senior citizen, patay
Batay sa report ng Quezon City Police District- Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) bago nangyari ang krimen, alas-7:00 ng gabi sa Ilocandia St., ay nakita ng isang saksi na nag-uusap ang biktima at suspek.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang biyudo nang malapitang barilin ng isang senior citizen na kanyang nakatalo, kamakalawa ng gabi sa Brgy.Commonwealth, Que­zon City.

Ang nasawi sa FEU Hospital ay kinilalang si William Enriquez Leal, ng President Quezon St, Brgy. Commonwealth, Quezon City. Habang agad na naaresto ang suspek na si Geronimo Tolentino, 64, dating OFW at naninirahan sa Ilocandia St. Brgy. Commonwealth ng nabanggit na lungsod.

Batay sa report ng Quezon City Police District- Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) bago nangyari ang krimen, alas-7:00 ng gabi sa Ilocandia St., ay nakita ng isang saksi na nag-uusap ang biktima at suspek.

Makalipas ang ilang minuto ay nagtatalo na ang dalawa hanggang sa bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan sa katawan ang biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek na naaresto rin sa isang follow-up operation.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with