PNP chief Marbil binalaan ang mga pulis na nagtatrabaho bilang bodyguard
MANILA, Philippines — “Tutukan ang kaligtasan ng publiko at huwag magbigay ng serbisyo sa mga pribadong indibidwal.”
Ito ang direktiba ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Rommel Francisco Marbil kasunod nang pag-aresto at pagsasampa ng mga kasong administratibo laban sa dalawang pulis ng Special Action Force (SAF) na napag-alamang nagtatrabaho bilang bodyguard ng isang Chinese citizen na nakatira sa loob ng isang exclusive residential village sa Alabang, Muntinlupa City.
Matatandaan na inaresto ang dalawang opisyal ng SAF police, na naka-deploy sana sa Zamboanga City noong Mayo matapos silang magkaroon ng mainitang pagtatalo na humantong sa suntukan.
Parehong inamin ng dalawa na sila ay nagtatrabaho bilang personal bodyguard ng isang Chinese na nakatira sa Ayala Alabang.
Ayon sa mga regulasyon ng PNP, tanging ang Police Security Protection Group lamang ang pinahihintulutang magbigay ng seguridad sa mga otorisadong indibidwal.
- Latest