^

Police Metro

Teves, ‘di makakapuslit sa Timor-Leste kahit gumamit ng ibang passport

Mer Layson - Pang-masa
Teves, �di makakapuslit sa Timor-Leste kahit gumamit ng ibang passport
This photo shows a picture of expelled lawmaker Arnolfo Teves Jr. being arrested by Timor-Leste law enforcement in Dili, East Timor.
Polícia Científica e de Investigação Criminal / Facebook

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Department of Justice (DOJ) Assistant secretary at spokesman Mico Clavano sa isang weekend forum na hindi makakatakas palabas ng bansa ng Timor-Leste si dating Congressman Arnolfo Teves Jr., kahit na gumamit pa ito ng ibang pasaporte dahil nakatimbre na ito sa lahat ng border authorities sa nabanggit na bansa.

Ito ay makaraang aprubahan ng Court of Appeals ng Timor-Leste ang kahilingan ng gobyerno para sa extradition o pagpapauwi sa bansa kay Teves dahil sa mga kinakaharap na kaso sa Pilipinas.

 “He is being closely monitored 24 hours at we are sure na nakaabiso na sa lahat ng border authorities – land, sea, and air na hindi paalisin si Ginoong Teves. Kahit na mayroon silang ibang passport, hindi siya puwedeng paalisin sa Timor Leste,” ani Clavano.

Kanselado na aniya ang Philippine passport ni Teves kaya malinaw na undocumented alien na ito kaya dapat lamang na mapauwi na ito para harapin ang mga kaso sa Pilipinas.

Sinabi ni Clavano na tinututukan na rin ngayon ng DOJ kung sinu-sino ang mga kumukupkop kay Teves sa Timor Leste dahil mananagot din ang mga ito sa batas at makakasuhan ng obstruction of justice at pagkupkop ng wanted na tao.

vuukle comment

ARNOLFO TEVES JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with