^

Police Metro

Bodega ng paputok sumabog: 4 patay, 14 sugatan

John Unson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat katao ang iniulat na patay habang 14 na iba pa ang sugatan matapos ang sunod-sunod na pagsabog sa loob ng isang bodega na may nakaimbak na mga pyrotechnics at firecrackers sa Barangay Tetuan, Zamboanga City kahapon ng hapon.

 Sa mga hiwalay na ulat nitong Sabado ng mga opisyal ng Zamboanga City Police Office at ng mga kawani ng City Di­saster Risk Reduction and Management Office, apat katao, isa sa kanila ay menor-de-edad ang mga nasawi sa insidente.

Maagap namang naisugod ng mga emergency responders sa ibat-ibang pagamutan ang 14 kataong nagtamo ng mga sugat sanhi ng mga serye ng pagsabog, ilan sa kanila mga bata at mga babae.

Nag-utos na ang director ng Police Regional Office-9, si Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, ng malalim na imbestigasyon sa insidente.

Tiniyak naman ni Mayor John Dalipe, chairman ng Zamboanga City Disaster Risk Reduction Management Council, ang ayuda para sa mga pamilya ng nasawi at mga na-ospital sanhi ng insidente.

vuukle comment

PAPUTOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with