^

Police Metro

Nagsaway sa bumusina nang malakas, pinatay

Cristina Timbang - Pang-masa

Pumarada pa sa tapat ng bahay…

MANILA, Philippines — Nagresulta ng kamatayan sa isang lalaki ang ginawa nitong pagsaway sa kapitbahay na bumusina ng malakas habang pumaparada sa tapat ng kanyang bahay, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Alingaro, Gen. Trias City, Cavite.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktima na kinilalang si alyas Jay, nasa hustong gulang. Habang ang suspek na umano’y kapitbahay nito ay mabilis na tumakas sakay ng kanyang itim na Toyota Fortuner na may plakang DAI-7670.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago naganap ang krimen, alas-9:00 ng gabi ay nasa loob ng kanilang bahay ang biktima kasama ang pamilya nito at nakatakda na sanang matulog.

Dito ay dumating ang suspek at pumarada sa tapat ng bahay ng biktima at sa hindi malamang kadahilanan ay sunud-sunod itong bumusina kaya’t lumabas ng bahay ang huli at kinompronta ang una.

Nagkaroon ang dalawa ng mainitang pagtatalo hanggang kinuha ng suspek ang kanyang baril at pinagbabaril ang biktima na duguang bumulagta.

Kahit nakabulagta na ay bumaba pa ang suspek ng sasakyan at nilapitan ang biktima at muling pinagbabaril at pagkatapos ay mabilis na tumakas.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with