^

Police Metro

Driver at pahinante natuhog ng kargang bakal

Doris Franche-Borja - Pang-masa

Sa biglang pagpreno…

MANILA, Philippines — Kapwa namatay noon din ang isang truck dri­ver at kanyang pahinante nang aksidenteng matuhog ng idedeli­ber nilang bakal nang biglang magpreno dahil sa may tumawid na lalaki sa Brgy. Bunawan, Davao City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Nestor Dela Cruz Doronio, 56, driver, ng New Ilocos Magsaysay Davao del Sur at helper na si KR Salem Reasonable, 24,  mula sa Marber, Bansalan, Davao del Sur.

Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, nangyari ang insidente nitong Hunyo 25 sa Cargo Entrance, Davao International Airport, Garcia Highway, Brgy. Bunawan Davao City.

Nabatid  na karga ng prime mover truck ang nasa 50 piraso ng 12-millimeter steel sheets,  nang  biglang tumawid sa intersection sa pedestrian  lane ang  isang  32-anyos na Airport Security  Assistant.

Sinabi ni Davao City Police Office spokesperson Pcapt. Hazel Tuazon na nakalas umano ang tali ng mga bakal dahilan para dumiretso sa kinaroroonan ng mga biktima.

Nasa kustodiya na ng kapulisan ang nasabing indibidwal na tumawid na kung saan ay desidido ang pamilya ng mga biktima na magsampa ng kasong reckless imprudence resulting to homicide sa pedestrian.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with