DOJ: Teves papauwiin na ng Timor-Leste
MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Justice (DOJ) na pinagbigyan ng korte ng Timor-Leste ang hiling ng Pilipinas para sa extradition o ibalik sa bansa si dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves.
“We have won,” pahayag ng DOJ matapos na matanggap ang impormasyon mula sa Attorney General ng Timor-Leste.
“We look forward to the arrival of Mr. Teves so that he may finally face the charges against him in our local courts,” ayon pa sa DOJ.
Si Teves ang itinuturong utak sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo, at ilan pang sibilyan noong 2023.
Mariin namang itinanggi ni Teves ang mga alegasyon laban sa kaniya na naglalaro ng golf sa Timor-Leste. Kasunod nito ang pagdinig sa hiling ng Pilipinas na ibalik siya sa bansa para litisin.
Pero ilang linggo lang ang nakararaan nang ilagay si Teves sa house arrest ng korte habang hinihintay ang pasya sa kaniyang extradition case.
- Latest