^

Police Metro

Marcos may napili nang kapalit ni Sara sa DepEd

Malou Escudero - Pang-masa
Marcos may napili nang kapalit ni Sara sa DepEd
Vice President Sara Duterte-Carpio gives the keynote address during the "Tribute to soldiers" awards ceremony at The Manila Hotel, Rizal Park, Ermita in Manila on Aug. 28, 2023.
Inday Sara Duterte / Facebook

MANILA, Philippines — May napili na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bagong kalihim ng Department of Education (DepEd) kapalit ng nagbitiw na si Vice President Sara Duterte-Carpio.

Sinabi ni Marcos sa isang ambush interview sa Maynila na iaanunsiyo niya bago matapos ang linggo kung sino ang kapalit ni Sara.

“I will probably be able to, I would like to be able to announce the appointment of the DepEd Secretary by the end of the week,” ani Marcos.

Hindi rin aniya dapat na iwanang bakante ang DepEd dahil napakalahagang departamento ito.

Sinabi rin ni Marcos na wala namang ibinigay na rason si Duterte sa pagbibitiw sa puwesto bilang kalihim ng DepEd at pagiging vice chairman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Matatandaan na nag­hain ng resignation letter si Duterte-Carpio noong Hunyo 19, 2024 at magiging epektibo ito sa Hulyo 19, 2024.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with