^

Police Metro

Bangus, oversupply na sa Pangasinan - BFAR

Angie dela Cruz - Pang-masa
Bangus, oversupply na sa Pangasinan - BFAR
“Kaya kami sa BFAR ay tumutulong humanap  ng direct buyer o cooperative o independent market na maaaring pagdalhan ng mga bangus.Pero mas ok na ang oversupply kaysa kulang sa suplay,” sabi ni Briguera.
File

MANILA, Philippines — Kahit na dumaan ang panahon ng El Niño phenomenon , sobrang dami at oversupply na ang isdang Bangus sa Pangasinan.

Ito ang sinabi ni Director Nazer Briguera ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nag-oversupply ang ba­ngus sa Pangasinan dahil madami ang nagsulputang bangus farmers doon.

“Kaya kami sa BFAR ay tumutulong humanap  ng direct buyer o cooperative o independent market na maaaring pagdalhan ng mga bangus.Pero mas ok na ang oversupply kaysa kulang sa suplay,” sabi ni Briguera.

Gayunman sinabi ni Briguera na dapat ma-regulate ang bilang ng mga magnenegosyo sa pag-aalaga ng bangus para maiwasan ang oversupply.

Hindi naman anya naapektuhan ang fishery industry ng El Niño dahil sa ilang lugar lamang ito tumama at ang ibang lugar naman ay may kakayahan na mapunan ang demand ng mamamayan sa mga isda at iba pang seafood products.

Nanatili namang nasa P140.00 hanggang P160.00 ang presyo ng kada kilo ng bangus sa bangus farm kahit na may oversupply nito at aabutin naman ng P160 hanggang P180 ang kada kilo nito sa mga palengke sa Metro Manila.

BANGUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with