^

Police Metro

4 parak hinatulang guilty sa pagpatay sa mag-ama

Doris Franche-Borja - Pang-masa
4 parak hinatulang guilty sa pagpatay sa mag-ama
Hinatulang guilty kahapon sa dalawang bilang na kasong homicide ng Caloocan RTC Branch 121 ang apat na pulis na sangkot sa pagkamatay ng mag-amang Luis at Gabriel Bonifacio noong Setyembre 15, 2016.
Michael Varcas

Sa anti-illegal drug ops

MANILA, Philippines — Hinatulang guilty kahapon ng korte ang apat na pulis sa pagpatay sa mag-ama sa isang anti-illegal drugs operation sa Caloocan.

Batay sa desisyon ni Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 121 Judge Ma. Rowena Violago Alejandria, guilty sa kasong homicide sina P/MSgt. Virgilio Cervantes; P/Cpl. Arnel De Guzman; P/Cpl. Johnston Alacre; at P/Cpl. Artemio Saguros Jr. ng hanggang 10 taong pagkakakulong sa pagbaril sa mag-ama sa isang anti-drug police operation noong Setyembre 15, 2016.

Matatandaang nabaril at napatay ng mga pulis ang mag-amang sina Luis at Gabriel Bonifacio noong 2016 kasabay ng pagpapatupad ng drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“It must be worthy to note that the accused themselves did not deny their presence and participation in the police operation conducted, the same event where the victims Luis and Gabriel (Bonifacio) were killed,” pahayag ni Alejandria.

Pinagbabayad din ng korte ang mga pulis ng tig- P300,000 bilang danyos sa pamilya ng mga biktima.

Ayon sa pamilya Bonifacio, higit isang dosenang pulis ang nakibahagi sa pagsalakay sa kanilang bahay  sa Caloocan at hindi sangkot ang mag-ama sa droga at hindi rin armado nang magpaputok ng baril ang mga pulis.

Bagama’t self defense ang alibi ng mga pulis ibinasura pa rin ito ng korte.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with