^

Police Metro

Delivery rider utas, 2 sugatan sa pamamaril

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Delivery rider utas, 2 sugatan sa pamamaril
Sa nakalap na report, nangyari ang insidente ala-1:00 ng madaling araw kahapon sa Purok 5, Litex Road, Brgy. Commonwealth.
Emmanuel Tupas

MANILA, Philippines — Isang delivery rider ang nasawi habang dalawa ang sugatan nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek na kanilang nakatalo kahapon ng mada­ling araw sa Quezon City.

Hindi na umabot ng buhay sa Maclang Hospital ang biktimang si Gerardo Ebron Obiso, 44, Grab driver na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa dibdib, tiyan at kanang balikat.

Sugatan at ginagamot sa ospital sina Aljon Obiso Abad, 29 at Jericho Panas Ora, 26 na pawang mga residente ng Litex Road. Brgy. Commonwealth, QC.

Sa nakalap na report, nangyari ang insidente ala-1:00 ng madaling araw kahapon sa Purok 5, Litex Road, Brgy. Commonwealth.

Sa salaysay ng saksi, nakita niyang nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mga biktima at suspek.

Naawat naman ang mga ito hanggang sa umalis ang suspek, subalit ilang minuto ay bumalik ito na may dalang baril at walang habas na pinaputukan ang mga biktima saka mabilis na tumakas.

Narekober ng SOCO team ang nasa pitong basyo ng calibre .45 baril at isang metallic jacket.

Inaalam na ng pulisya kung may mga CCTV sa lugar na maaaring makatulong sa pagtukoy sa suspek at sa motibo.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with