Trike na walang plaka sa Quezon City, huhulihin na – LTO
MANILA, Philippines — Simula sa Hulyo 1, 2024, huhulihin na ng Land Transportation Office (LTO) ang mga pampasaherong tricycle na walang plaka sa Quezon City na ikokonsiderang “kolorum” alinsunod sa ipinatutupad na “No Plate, No Travel” policy ng ahensiya.
Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza, ipatutupad ang polisiya makaraang masolosyunan ng ahensiya ang may halos 3,000 backlog ng plaka ng mga pampasaherong tricycle sa Quezon City sa pakikipagtulungan ng Tricycle Operators and Drivers’ Associations (TODAs) sa lungsod.
“With all the license plates already distributed to all tricycles being used in public transport in Quezon City, your LTO will presume that tricycles with no license plates but are being used in transporting passengers in Quezon City are colorum, or operating illegally,” pahayag ni Mendoza.
Ang “No Plate, No Travel” sa QC ay magsisilbing pilot run ng pinaigting na road safety at anti-colorum measures ng LTO at nakatakdang palawakin ito sa buong bansa lalo na sa Metro Manila gayundin ang laban sa mga kolorum na 4-wheel vehicles.
- Latest