^

Police Metro

Pagpapauwi sa labi ng tatlong Pinoy na nasawi sa sunog sa Kuwait minamadali ng OWWA

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinaplano na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang agarang pagpapauwi sa mga labi ng Pinoy na nasawi dahil sa sunog sa Kuwait.

Ayon sa OWWA, nakikipag-ugnayan na sila sa Embahada sa Kuwait para maiproseso ang mga papeles para sa agarang repatriation.

Kahapon nang kumpirmahin ng Department of Migrant Workers (DMW) na dahil sa smoke inahalation ang dahilan ng pagkamatay ng tatlong Overseas Filipino Workers (OFWs).

Sa kabila nito, sini­guro naman ng OWWA na ang mga pamilya ng mga nasawi ang unang makakaalam kung kailan maiuuwi ang mga labi nito sa Pilipinas bago ipapaalam sa publiko.

Wala na rin dapat pang isipin ang mga kamag-anak ng biktima dahil sagot na ng pamahalaan ang gastusin sa pagpapauwi sa labi ng Pinoy.

OWWA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with