^

Police Metro

Bulkang Kanlaon, nagluwa ng higit 3K tonelada ng asupre

Angie dela Cruz - Pang-masa
Bulkang Kanlaon, nagluwa ng higit 3K tonelada ng asupre
In this handout photo taken on June 3, 2024 by Irish Casag and released on June 4, shows Mount Kanlaon volcano spewing a large plume of ash during an eruption as seen from La Castellana town, Negros occidental province, central Philippines Mount Kanlaon on Negros island exploded for six minutes, sending a plume of ash, rocks and gases five kilometers (three miles) into the sky.
AFP / Irish Casag

MANILA, Philippines — Nasa 3,431 tonelada ng asupre ang iniluwa ng Bulkang Kanlaon sa Negros sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa tala ng Phi­lippine Institute of Volcanology and Seismo­logy (Phivolcs) ang ilang araw nang pagbaba ng aktibidad ng bulkan sa nagdaang araw, bukod sa pagluwa ng asupre ay nagtala rin ang bulkan ng 7 volcanic earthquakes at katamtamang pagsingaw na may 100 metrong taas na napadpad sa timog-kanlurang bahagi ng bulkan na kinakitaan din ng pamamaga.

Kaya’t patuloy na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng sinuman sa loob ng apat na kilometrong radius Permanent Danger Zone (PDZ) at paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa banta ng biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions sa bulkan.

Ang Bulkang Kanlaon ay nasa ilalim ng Alert Level 2 na nangangahulugan ng abnormal na kundisyon ng bulkan.

KANLAON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with