^

Police Metro

2 paslit, patay sa rabies

Mer Layson - Pang-masa
2 paslit, patay sa rabies
Kaya’t nagpaalala si Manila Mayor Honey Lacuna sa mga residente na huwag balewalain ang kagat o kalmot ng aso o pusa, lalo na kung ito ay sa leeg pataas.
Philstar.com/File

MANILA, Philippines — Dalawang batang paslit ang naiulat na nasawi sa rabies sa lungsod ng Maynila matapos na ito ay hindi nabigyan ng kinakailangang bakuna laban sa rabies.

Kaya’t nagpaalala si Manila Mayor Honey Lacuna sa mga residente na huwag balewalain ang kagat o kalmot ng aso o pusa, lalo na kung ito ay sa leeg pataas.

Anya, sa sandaling nakagat na ng aso, kailangang kaagad na magtungo sa pinakamalapit na bite centers na available sa Maynila upang mabigyan ng libreng lunas.

“Ang pinaka-importante ay bumalik kayo sa follow-up vaccination sa takdang araw kung kelan kayo pinababalik, lalo na kung nakagat o nakalmot kayo mula leeg pataas. ‘Wag ibalewala ‘pag nakagat kayo ng aso kahit ang inyong alaga ay may bakuna na. Mas importante na ma-prevent tayo na magkaroon ng rabies dahil once nagkaroon, dire-diretso na,” wika ng alkalde.

Anang alkalde, mayroong walong bite centers sa lungsod ng Maynila na nagkakaloob ng free anti-rabies vaccination, bukod pa ito sa Sta. Ana Hospital at sa Ospital ng Maynila.

Ang naturang bakuna ay isinusuplay aniya ng Department of Health (DOH) at sa sandaling maubos na ang mga ito, tinitiyak naman ng city government na may nakahanda silang mga bakuna upang maipagkaloob sa mga nangangailangang residente.

Binigyang-diin din ng alkalde ang kahalagahan na mabakunahan ang mga alagang hayop ng anti-rabies taun-taon, lalo na at libre naman itong ipinagkakaloob.

RABIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with